Three Dads with One Mom Philippine/Tagalog Version

Saturday, November 8, 2008

Three Dads with One Mom - October 5,2008

Aired: ABS-CBN
Date: October 5,2008
Episode:
Episode Summary/Recap:

1. The three men: Jake, Jaiden, and Ariel is getting ready for their vacation.

Jake:  teka, di ba bahay yun? Ba't may dala kang tent?
Ariel:  Oo, alam ko namang matutulog tayo sa bahay. Pero mas masarap matulog sa tent habang nakatingala sa bituin, di ba?
Jake:  Hayyy...


Ariel:  Jake, magtatayo tayo dun ng tent at kakantahan mo dun si nicole. Subukan mo ha... Twinkle twinkle little star...
Jake:  Aba! Okay ka ng mag-english ah...
Ariel:  Ano ka ba?...Nagagawa ko ang isang bagay pag-iniisip ko no...Teka Jake, ba't bumili ka pa ng pakwan eh meron naman dun?
Jake: Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang pagkain dun? Mas mura pa dito, kaya bumili na ako.
Jaiden:  Alis na tayo pag okay na ha...puro kayo troubles eh.
Jake:  Teka, anu bang meron sa Mr. Jong na yun? Sabado ngayon, Day-off ni Lizette ah?..
Ariel:  Oo nga, gugulpihin ko siya. Martial artist yata ako noh.
Jaiden: Hayaan mo na, wala siyang kwenta.
Jake and Ariel: Tara! Tara na!

2. Office of Lizette.
Lizette: Um, Sir James. Pwede muna akong umuwi ng maaga?
James: May lakad ka?
Lizette: Ah, may pupuntahan kami ni Nicole.
James: Saan?
Lizette: Sa isang lugar. Mag-oovernight kami at mamamasyal. Hindi ko pa naipapasyal si Nicole eh.
James: Dapat sinabi mo sakin. May discount ako sa condo.
Lizette: Okay lang. Sir, aalis na ako.

3. The Ariel, Jaiden, Jake, and Lizette is driving their way to the vacation house using Jakes Hyundai Sonata Car 2008 model.

Jake, Ariel,Jaiden,Lizette: Singing a song:

"Isang butete,
na lumalangoy,
paikut-ikot sa tubig.
Paa'y tumubo,
Kama'y tumubo,
Ang butete ay naging palaka."
4. At the DNA testing Center.
Nurse Clerk: Ano pong kailangan nyo?
Ariel's Mom: ah..ano..nagpunta ako dito, dahil gusto ko sanang mag-pasuri ng isang DNA test.
5. At the vacation house.
(Outside Car)
Ariel: Ganda!
Jake: hah...
Lizette: Wow! ang ganda-ganda. Parang ito yung nasa fairy tale, di ba nicole?
Jake: Sa wakas, nakagawa kayo ng tama Ariel...
Ariel: Ako yata ang pinakamatalino sa inyo...oh. mag-ayos na tayo. Para maka-pamasyal na tayo kaagad. ha...
Jaiden: Tara...
(stair way to house)
Ariel: Bilisan nyo, ang bagal nyo eh, dali! wooo! ...
(At the Circus)
Jaiden: pwede bang mag-roller coaster si Nicole?
Lizette: Hindi noh...
(in front of balloon seller)
Ariel: Jake, tignan mo yung trabaho nya oh
Jake: ah oo, mahirap nga...
Jaiden: Halika kayo dito. Oh
Jake: Ano to?
Jaiden: Magugustuhan ni Nicole yan. Isuot nyo na.
Jake: Hai...
Jaiden: Oh, isuot mo na. Tara-tara, let's go.
(front of ride)
Ariel and Jaiden: yay, hehe. Hi Nicole
Ariel: lizette, tayo naman ang mag-ride oh..Teka, ako muna!
Jaiden: ako pa! wag kang makulet
Ariel: Sasakay din ako, ako din! Uiy tapos na!
Ariel: Lizette, ako naman ang susunod ha..
Lizette: Ulet?
Ariel: Okay, okay. Ulit tara na!
Jaiden: Nahihilo na si Lizette!
Ariel: Dito na Nicole...
Jaiden: Hoy kulet! nahihilo na si Lizette! ang kulet mo kasi eh
Jake: Oy, tama na yan.
Ariel: wow, ang saya.
(Inside Vacation House)
Lizette: Wow, ang taas nitong bahay, di ba baby?
Jake: dito na kayo sa taas ni Nicole at dito kami sa baba. Pagkatapos nyong magpalet, lumabas kayo mag ba-barbeque tayo.
Lizette: Mag-babarbeque tayo?
Jaiden: Oo, ni-reready na ni Ariel.
Lizette: Okay!
(Outside Vacation house)
Lizette: wooo...pay-pay.... Ang galing ni tito Jaiden.
Jake: Oh ano, luto na ba?
Jaiden: Hindi pa.
Jake: Ah, pwede ba kayong awitan dyan? Habang naghihintay tayo? 
Jaiden: Huh, eh ikaw...
Lizette: hooo...
Ariel: Tignan nyo siya oh. Parang ungas, akala mo marunong mag-gitara pero hindi naman.
Jake: Hoy, ano na yang sinasabi mo. (Singing a song with his guitar)
"Nang makilala ka,
Nahihiya akong humarap sa yo.
Gusto ko sanang mapalapit sa yo.
At kilalanin ka. 
Ang himig mo ay naging himig ko na,
Isang musika ng pag-ibig.
Hindi nagtagal, nawala ito,
Kasama ng hangin.(2x)
Hindi ko na maibabalik pa,
ang masaya na ala-ala,
sa puso ko,
kantang binuo natin.
Nandito ako naghihintay sayo.
Kahit na wala ka na.
Sa puso ko ikaw ang naka-ukit.
Sa pag-lisan mo mahal,
ang buhay koy nag-patuloy.
Pangako ko sayo na maging matatag.
Ang kanta nating ito,
ay patuloy kong aawitin.
Masasayang ala-ala mo,
ay itatago ko."
(at the DNA Center)
Ariel's Mom: Sabihin niyo, anak ba siya talaga ng anak ko?
Doctor: ....

(Back at the camp)
Jake: tahimik dito no? Ang sarap talagang pumunta sa ganitong lugar.
Jaiden: Ngayon ulit tayong nag- outing.
Lizette: Alam niyo pakiramdam ko, mas-masaya pa ako kay nicole eh.
Jaiden: Balik tayo dito ha
Ariel: Oo ba, h...
Lizette: Tulog na si nicole, Ihihiga ko lang siya sa kama ha.
Jake, Ariel, Jaiden: ah ako na!
Lizette: Ako na lang
Jake: Ah, okay
Jaiden: Masaya ako, bumalik na si Lizette.
Jake: Oo nga, akala ko hindi ko na makikita si Nicole
Ariel: Tara, uminom na lang tayo, oh





No comments: